Teoryang Queer

“Girl, Boy, Bakla, Tomboy”
ni Noel Lapuz



NATUTUNAN:

                Maliban sa natutunan ko ang layunin ng pananaw ng Teoryang Queer na kung saan isinusulong nito ang pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga LGBT o yung mga tao na nasa ikatlong kasarian tulad ng bakla at tomboy, ditto ko rin mas na intindihan kung gaano kasakit sa parte ng mga LGBT people ang panghuhusga sa kanilang natatanggap.

REAKSYON:

               Ang kwento ay nagpapakita ng napapanahong isyu, na kung saan alam o kaya’y mayroong ideya ang halos lahat ng tao sa isyu ng diskriminasyon ng mga taong nasa ikatlong kasarian.



Teoryang Realismo
“Si Intoy Syokoy Ng Kalye Marino”
ni Eros Atalla
NATUTUNAN:
             Ang Teoryang Realismo ay nagpapakita ng mga karanasan na kung saan nasaksihan na ng may akda sa lipunan, ang teoryang ito ay hango sa mga pangyayari sa totoong buhay kung saan taglay ng kwentong “Si Intoy Syokoy Ng Kalye Marino”, pero hindi tuwirang totoo dahil isinasaalang-alang ang kaisipan at pagka epektibo ng akda.

REAKSYON:  
          Sa kwentong ito, nakita ko ang angkop na ibig sabihin ng kasabihang “ANG TAONG NAGIGIPIT SA PATALIM KUMAKAPIT”, dahil sa ginawa ng isang tauhan sa kwento na ibenenta ang sariling laman upang mabuhay lamang.

Teoryang Naturalismo
“Walang Panginoon”
ni Deogracias Rosario

NATUTUNAN:
          Ang mga akdang napapabilang Teoryang Naturalismo ay nagtataglay ng mga pinakamasidhing katangian ng teoryang Realismo. Ang akdang napapabilang sa pananaw sa ito ay mayroong mga simpleng tauhan lamang.

REAKSYON:
        Ang kwentong “Walang Panginoon”, para sa akin ay patunay na dapat hayaan na lamang ang karma at tadhana na humusga sa mga taong mayroong atraso sa iyo katulad nalang ng nangyari kay Don Teong.

Teoryang Arkitaypal
“Gapo”
Ni Lualhati Bautista
NATUTUNAN:
             Ang Teoryang Arkitaypal gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda. Binibigyang diin nito ang tatlong uri ; arkitipikong tauhan,arkitipikong pangyayari at arkitipikong simbolo at kaugnayan. Nag kwentong “Gapo” rin ay nagpapakita ng totoong pangyayari sa ating lipunan kagaya nalang ng pag-aasawa ng mga Filipina sa mga banyaga at ang mga karinawang sitwasyon sa kanilang pagsasama.

REAKSYON:
             Mayroong talagang mga tao na hindi nalang makuntento sa kung ano ang mayroon sila, katulad nalang ng isa sa mga tauhan sa kwentong ito na si Magdalena o si Magda. Ang kanyang pagka hindi kuntento sa kaniyang kinalalagyan ay nag dulot pa ng masamang pangyayari sa ibang tao at pati narin sa kanyang sariling buhay.

Teoryang Formalistiko
“Sandaang Damit”
ni Fanny Garcia
NATUTUNAN:
               Sa Teoryang Formalistiko, ang akda ay mayroong deretso at malinaw na paglalahad gamit ang tuwirang panitikan, hindi ito kinakailangan ng masusing pagsusuri at malinaw na pagpapaliwanag ang nais ipabatid ng may akda sa literal at walang labis o walang kulang sa mga mambabasa.

REAKSYON:
             Sa kwentong “Sandaang Damit”, simple lamang ang daloy ng istorya, at tungkol naman sa pangunahing tauhan, nakakaawa rin naman ang bata sa kanyang sitwasyon at hindi rin naman tama ang kanyang pagsisinungaling tungkol sa kanyang sandaang damit na pawing mga larawan lamang.


Teoryang Humanismo
“Paalam Sa Pagkabata”
Ni Santiago Pepita
Isinalin sa Filipino ni Nazareno D. Bas

NATUTUNAN:
              Ang pananaw na ito ay nagbibigay halaga sa dignidad ng isang tao. Kabilang sa pagbibigay halaga ang isip at damdamin ng isang tao. Sa kwentong “ Paalam sa Pagkabata”, hindi tama ang pagtrato ng masama kung mayroong bata na anak sa labas.
REAKSYON:
              Hindi sa idinamay si Celso sa kung ano man ang nagging kasalanan ng kanyang ina na si Isidra sa problema ng kanyang asawang si Tomas. Hayaaan na lamang na matuklasan ni Celso ang totoo niyang pagkatao dahil wala rin naming sekretong hindi mabubunyag.



Teoryang Ekspresyunismo
“Caregiver”
Ni Chito S. Rono
NATUTUNAN:
             Sa pananaw na ito ay walang pagkabahala na ipinahahayag ng manunulat ang kanyang kaisipan at nadarama. Karaniwang ang ideya kapag narinig ang salitang caregiver ay patungkol sa isang yaya, alila, katulong, tsimay o sa pinakamababang antas ay tagahugas nga lamang ng puwit ng pasyente.

REAKSYON:
            Ang palabas na “Caregiver” ay halimbawa ng pamumuhay ng ilang mga OFW. Hindi madali ang buhay ng ibang nangingibang bansa dahil sa mga pagsubok sa dinaranas nila sa ibang lugar. Malayo sila sa kinalang pamilya na nagdudulot ng matinding kalungkutan sa kanila.


Teoryang Markismo
“Sandaang Damit”
Ni Fanny Garcia
NATUTUNAN:
              Ang Teoryang Markismo/Marxismo ay may layuning ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may kakayahang umanga buhat sa pagdurusa dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan, suliraning panlipunan, at pampulitika. Sa kwentong ito umangat ang bata sa pangingin ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang pagsabi na mayroon siyang daan daan na mga damit.
REAKSYON:
             Umangat ang bata dahil sa kanyang pagsisinungaling sa kanyang mga kaklase ngunit panandalian lamang ang kanyang pag angat dahil nga hindi totoo ang kanyang mga sinasabi at natuklasan din na hindi pala totoo ang kanyang mga damit at mga larawan lamang na nakadikit sa dingding ng kanilang bahay. Ibig sabihin hindi angkop ang kwentong ito sa pananaw na Markismo dahil sa masamang pamaraan umangat ang tauhan sa kwento at hindi totoong kaginhawaan ang natamasa ng tauhan.


Teoryang Feminismo
“Nanay Masang Sa Calabarzon”
Ni Sol F. Juvida
NATUTUNAN:
               Ang Teoryang Feminismo ay simpleng nagpapakita sa isang kwento ng kung ano ang kalakasan at kakayahan ng babae na mamuno at ipagtanggol ang kanyang karapatan. Sa kwentong ito mas nangibabaw kung ano ang kayang magawa ng mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang paniniwala.

REAKSYON:
              Nakapagbibigay ng lakas ng loob at tiwala sa sarili ang ginawang pakikibaka at pakikipaglaban sa kanilang paniniwala ang mga tauhan sa kwentong “ Nanay Masang Sa Calabarzon”. Dahil kina Teresita Alvares at Damaza Perez o Nanay Masang na ipaglaban nila ang kanilang karapatan sa lupang tinitirhan.


Teoryang Bayograpikal
“Memorias De Un Estudiante De Manila”
 
“Mga Ala-ala ng Isang Mag-aaral sa Maynila”
Ni P. Jacinto

NATUTUNAN:
                Ang pananaw na Bayograpikal ay naglalayung maipabasa at maipa-alam sa mga mambabasa ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng may akda na nagsisilbing gabay sa pagsusulat ng akda. Nakapag bigay din ang istoryang ito ng dagdag kaalman tungkol sa buhay n gating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

REAKSYON:
              Ang “Mga Ala-ala Ng Isang Mag-aaral sa Maynila” ni P. Jacinto ay isang pagsasalaysay ng na udlot sa pag-ibig ng ating pambansang bayani, nagpapatunay lamang ito na sa larangan ng pag-ibig mayroong mga bagay na pagdadaanan ng simumang tao kahit malaki o maliit man ang katayuan nila sa pamayanan. Pantay-pantay at walang pinipiling tao ang kabiguan sa pag-ibig.



Teoryang Imahismo
“Ang Relis Sa Tiyan Ni Tatay”
Ni Eugene Y. Vasco

NATUTUNAN:
               Ang mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pa ay ginagamitan ng imahen upang mas madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng mga karaniwang  salita. Ang hindi paggamit ng mga karaniwang salita ay nagbibigay ng palaisipan sa mga mambabasa at nag bibigay ng mas maiintindihan sa ideya.

REAKSYON:
               Ang kadakilaan ng isang ama ay hindi lamang masusukat sa mga marking nakalapat sa katawan kundi pati narin sa sakripisyong ibinigay nila para lamang maitawid ang pangangailangan ng pamilya kahit may kapalit na sugat man o wala.


Teoryang Romantisismo
“Sayang Na Sayang”

NATUTUNAN:
             Sa pag-uulat na ito, nalaman ko na ang nais ipahayag ng Teoryang Romantisismo na pahalagahan ang damdamin. Ang puso ay hindi matukoy-tukoy na bagay, hinggil sa karanasan nito. Ang kwento naman ay nagbigay kaalaman sa akin na mayroong itinakda para sa isang tao at hayaan na lamang ito na dumating.

REAKSYON:                                           
               Sa kwento na kanilang ginamit na pinamagatang “Sayang Na Sayang”, angkop ito sa pananaw na kanilang inilahad at ang kwento ay nagpakita ng mga saktong katangian ng Teoryang Romantisismo.

Comments